Buhay Kolehiyo: Ano Nga Ba Ito Para Sa Iyo?
Madali nga lang ba? Mahirap ba? Kakayanin ko ba? Yan ang mga katanongang hindi ko masagot sa sarili ko noon dahil wala pa talaga akong ideya o karanasan bilang isang kolehiyo. Alam kong para sa iba ay madali lang pero para din sa iba ay mahirap, iba iba tayo ng pananaw o kakayahan kaya respetohin natin ang kakayanan ng bawat isa. Hindi mawawala ang mga bayarin, sakit sa ulo at stress sa pag-aaral kaya maging responsable tayong harapin ang mga problemang ating mararanasan bilang isang studyanteng kolehiyo.
Isa sa pinaka eksayting na parte ng isang studyante ay ang makatong-tong ng kolehiyo. Alam nating lahat na hindi madali ang pag-aaral lalo na’t kapos sa buhay, sapagkat maraming mga kabataan ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa sipag at tsagang makapagtapos sila. Hangad ng bawat isang magulang na makapag-tapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan at bilang studyante hangad rin nating makapag-tapos ng pag-aaral upang masuklian ang lahat ng mga sakripisyo ng ating mga magulang at upang matupad natin ang matagal na nating mithiin.
Sa kolehiyo, dito mo mararanasan ang lahat lahat lalo na ang mga pangaral sa buhay, dito ka may maraming matututunan at kung paano maging isang responsableng tao o responsableng anak. Para sa nakakarami ang buhay kolehiyo ay hindi madali, kung ikokompara natin sa ating buhay elementarya at buhay sekondarya, ang layo layo talaga. Noon, nagagawa pa nating mag lakwatsa pagkatapos ng klase pero ngayong nasa kolehiyo na tayo ay hindi na natin nagagawa yang mga iyan dahil mas pinaprayoriti na natin ang mga bagay na dapat tapusan bago ang nakatakdang oras na binigay ng ating propesor sa ating mga takdang-aralin o mga proyekto. Pwede naman ring mag laan ng oras sa paglalakwatsa pero mas pipiliin mo nalang talagang umuwi pagkatapos ng klase upang tapusan ang mga dapat mong gawin para hindi na mag ka patong-patong ang iyong mga gawain.
Maswerte ang mga studyanteng hindi naranasan ang online classes o hindi naabutan ng pandemya, dahil sa aming batch, naranasan naming hindi makapag-aral sa mismong unibersidad dahil naabutan namin ang pandemya o ang tinatawag na Corona Virus. Hindi namin naranasan noon ang ‘face to face classes’ dahil ipinag-babawal noon na makalabas ng bahay kaya napilitan ang mga studyanteng pumasok sa online class, dahil wala din naman kaming choice. Pero ngayong balik na sa normal ang lahat, naranasan na naming mag face to face sa mismong unibersidad kung saan kami nag-aaral. Gayundin sa ibang studyanteng na nasa elementarya at sekondarya.
Isa sa mga importanteng natutunan ko sa kolehiyo ay dapat may determinasyon tayo sa ating pag-aaral upang tayo ay mas ganado at hindi tamadin. Pagsikapan nating mabuti hanggang maabot natin ang ating mga gusto sa buhay at tayo ay makapag tapos ng kolehiyo. Ngayon ka pa ba susuko na kunti nalang at makakamtan mo narin ang matagal mo ng pinapangarap na makapag tapos ng pag-aaral? Hindi mo akalain na noong nasa Grade 1 ka palang ay nangarap ka na makatong-tong ng kolehiyo pero ngayon ay nandito kana, isang malaking tagumpay ito para sa iyo. Kaya laban lang sa buhay at kakayanin mo ‘yan!
Comments
Post a Comment