Pangarap Sa Likod Ng Paghihirap
(Image by: http://thinkingmomsrevolution.com/b-k-s-easter-hope/) |
Pagod ka na ba? Iniisip mo ba na wala ka ng pag-asa? Pag-asang maabot ang iyong mga pangarap, pag-asang makapag tapos ng iyong pag-aaral, at pag-asang aahon ka mula sa kahirapan?
Sa buhay walang madali dahil ang lahat ay pinaghihirapan, walang madalian dahil ito ay hinihintay. Hinuhubog tayo ng panahon upang tayo pa ay maging matatag at matapang sa ano mang pagsubok na daraan. Ang determinasyon at paninindigan natin ang ating sandalan at kapag meron tayo nito paniguradong hindi tayo basta-bastang matumtumba sa hamon ng buhay, pananalig at tiwala sa Diyos ang isipin natin araw-araw. Ang pag-abot ng pangarap ay hindi parang isang pag-abot lang ng prutas mula sa puno kundi ito ay pinag hihirapan at kaylangang hintayin sa tamang panahon upang makuha mo ang inaasam na matimis at masarap na bunga nito.
Lahat ng tao ay may problemang hinaharap sa mundo at ito ang nagpapatibay sa atin, minsan iniisip natin na gusto nalang nating sumuko sa buhay ngunit kapag gagawin natin iyon ay ibig sabihin natalo tayo, kaya't kapag napagod tayo ay magpahinga lang at huwag susuko at kapag natumba, tayo ay bumangon dahil hindi dito nagwawakas ang ating buhay, may oras tayong inaabangan na masasabi nating para sa atin. Tiwala at pagsisikap ang susi sa pag-abot ng pangarap mula sa likod ng paghihirap.
Comments
Post a Comment