KATOTOHANAN SA LIKOD NG KOLEHIYO

KATOTOHANAN SA LIKOD NG KOLEHIYO
https://www.ustp.edu.ph/wp-content/uploads/2021/03/Academics-Backround-scaled-e1622519544385-1536x545.jpg



Pag narinig niyo ang salitang “Kolehiyo” ano ang naiisip niyo? Isa ka ba sa mga kabataan napapasabing “Ito na talaga! kunti na lang talaga, matatapos na din ako sa pag-aaral”.

Yung tipong sa sobrang pananabik parang gusto mo nang taposin agad ang sekondarya. Hindi lang naman ang mga mag-aaral ang nasasabik sa Kolehiyo, isa na dito ang ating mga magulang, kapatid, kaibigan o mga taong nagpapa-aral.

Madami ang natutuwa sa ideya na magkokolehiyo na sila – lalo na iyong mga nakapasok sa pangarap nilang unibersidad. Ngunit madami ang nagugulat pa rin sa reyalidad at bigat ng pagiging isang kolehiyala/kolehiyal. Sa unang buwan lagpas tao pa ang tuwa ng isang mag-aaral sa pagpasok, iyong tipong madami pang magtatanong kung saan bibili ng libro – kung anong klaseng bag ang gagamitin at mas lalo na ang mga gamit na bibilhin. Ngunit ang tunay na buhay ng pagiging kolehiyo ay hindi gaya ng kadalasang nakikita sa telebisyon o mga nasa imahinasyon ng mag-aaral na papasok palang sa kolehiyo.

Maraming kailangan baguhin sa mga dating nakagawian, kagaya ng kung noong nasa sekondarya ka palang ay pwede ka pang gumala ng mall pagkatapos ng klase sa kolehiyo magagawa mo lang yan tuwing katapusan ng “Midterm” at “Finals”. Kailangan mo na ding magkaroon ng sobrang higpit na “Time-management”.

Mararanasan mong maging kontento kahit tres na marka lng ang nakuha mo sakabila ng lahat ng pagsusumikap, pagpupuyat at kahit na binigay mo na lahat.

Mawawalan ka din ng oras para alagaan ang sarili mo lalo na kung sobrang dami ng kailangang ipasa at nagkasabay-sabay itong lahat. Meron ka namang oras para maglibang ng sarili ngunit panandalian lamang ito bago ka ulit matambakan ng mga gawain mo.

Aminin man o hindi, ang pagiging isang Kolehiyal/Kalehiyala ay hindi isang madaling daan. Magkakaroon ka ng sobrang daming “breakdowns” – mapapatanong ka sa sarili mo kung matalino ka bang tunay o masipag ka lang talagang mag-aral. Sa sobrang daming tanong mapapa-isip ka nalang na bumalik ng sekondarya pero hanggang doon lang yun dahil tanggap man natin o hindi, kailangan pa din natin mag-aral ng kolehiyo.

Hangad nating makapag-tapos ng pag aaral upang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay, alam nating lahat na hindi madali pero kapag sinabayan natin ng sipag at tsaga, tiyak ay makakapag tapos tayo sa awa ng Diyos.

Para sa mga kabataang hindi nakapag-aral dahil kapos sa buhay, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Walang masama kung hihinto muna sa pag-aaral upang mag hanap ng trabaho at tumulong sa pamilya dahil ang buhay ay hindi karera, lahat tayo ay may panahon para makaahon.

Tayo ay may kanya-kanyang oras, at naniniwala ako na kung mag pupursigi lang tayo sa buhay makakamit at makakamit din natin ang mga bagay na gusto natin balang-araw. Hindi man madali pero kakayanin. Wala naman talagang madali lalo na’t nasa kolehiyo ka na, dito mo mararanasan ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan noon.

Comments